mynameisanjhery:

Frances Joanna Sabularse Aniciete

Di ko alam bakit ko naisipang gumawa ng post para sa’yo. Di ka naman karapat-dapat pag-aksayahan ng oras at effort. HAHAHA jk. Naisip ko na bakit di ko naman bigyang pansin yung taong di ako iniwan, kahit na super hirap ako intindihin minsan, puro lovelife kasi nandito sa blog ko eh, lahat naman sila nangiwan, pero etong best friend ko na ‘to, hindi♥

Classmate ko siya since first year. Tatag namin kasi hanggang ngayong classmate ko pa din siya. Bano yan, abnormal, walang common sense, paulit-ulit, tanga minsan, kaya siya naloloko ng lalaki eh. HAHA dejoke lang, labyu! Kapag magkasama kami niyan puro kalokohan lang ginagawa at napaguusapan namin, wala talagang katinuan. Tawa lang kami lagi ng tawa. Kami lang nagkakaintindihan eh. Hahaha. Sobrang saya niyan kasama, as in. Nakakatuwa kasi, patawa, pati mukha niya :-D Hahaha. Kahit may pinagdadaanan ka ngayon sa pag-ibig, alam mo namang nandito lang ako lagi para sa’yo. Okay? Malapit na din ang graduation, magkakalayo na tayo, di na kita lagi makakasama, shet. Di ko na ata kaya. Hahaha, drama amp. Pero mamimiss talaga kita ng sobra, alam mo ‘yan. Basta walang iwanan ha? Best friend forever nga eh. Haha, i love you so much, dre! ♥

Your napaka-gandang/mala-diyosang best friend,

Anjhery<3

Ang ganda ko naman sa mga picture na pinost mo, katanggap-tanggap. Patay ka sakin bukas ♥ Hahaha, de joke. I love you forever dre, di kita iiwan! Antayin mo ‘ko mamaya sa labas ng bahay niyo, itatanan na kita! Hahahaha. I miss miss miss you!